lakbay aral "intro to cooperative entrepreneurship" in Davao city

August 25, 2025

Sa pangunguna ng Office of the City Cooperative Development Officer ay dumalo ang nasa walong kooperatiba sa City of Carmona kabilang ang CSCUC, CFCMPC, KPBMPC, CMPC, OSPI, MSGCC, KASAMA KA MPC, at CJMPC sa isinagawang Lakbay Aral “Intro to Cooperative Entrepreneurship” sa Davao City. Layon nito na mabigyan ng kaalaman ang bawat kooperatiba sa mga best practices ng ibang mga lungsod. Dito ay nagsilbing resource speaker sina Jerson S. Remo, CPA, MBA, ang Coordinating Director of Credit Committee ng Silangan MPC.