neo plus program: strategic leadership for good governance

August 19, 2025

Muling nagsilbi bilang isa sa mga Speakers para sa Strategic Leadership for Good Governance: Introductory Course for Newly-Minted Officials sa ilalim ng Newly-Elected Official Performing Leadership for Uplifting Service (NEO PLUS) Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si City Mayor Dahlia A. Loyola. Siya ay nagbahagi ng kaniyang kaalaman at karanasan sa epektibong pamamahala sa nasa mahigit 240 na respetadong Mayors, Vice Mayors, at Councilors mula sa Lalawigan ng Cavite, Laguna, at Rizal.

 

Nawa’y naging inspirasyon sa lahat ang progresibong landas na tinahak ng City of Carmona mula sa pagiging third-class municipality hanggang sa pagiging Youngest City in the Philippines at Smart City in the making. Sama-sama nating ipatupad ang pamumuno ng puso na may gabay ng isang visionary at entrepreneurial leadership na tiyak na huhubog sa pag-unlad ng ating komunidad.

 

Sa City of Carmona, palagi nating isasapuso ang ginintuang adhikain na Bayan Muna Lagi at Dapat Angat Lahat.