national blood donors month: voluntary blood donation activity
August 18, 2025
Matagumpay na idinaos ang Voluntary Blood Donation Activity bilang pagdiriwang ng National Blood Donors Month ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona. Ito ay sa pangunguna ng Office of the City Health Officer, sa pakikipagtulungan ng DOH NVBSP CALABARZON, Philippine General Hospital, Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital, Alpha Phi Omega Carmona Alumni Association, TV5 Alagang Kapatid Foundation, at GMA Alumni Association.
Nasa 276 units of whole blood ang nakolekta sa nasabing aktibidad mula sa mga blood donors sa iba’t-ibang barangay, kumpanya, at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan. Saludo po kami sa inyong pagtugon sa panawagan para sa ligtas at sapat na dami ng supply na dugo.
Magbigay ng dugo, Magbigay ng Pag-Asa, Sama-Sama Tayong Magligtas ng Buhay!
