adolescent health and development: prevention is power, education is key

August 15, 2025

Upang patuloy na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng kabataan hinggil sa responsableng pakikipagrelasyon at tamang pagpapasya, ang Office of the City Population Officer, katuwang ang City Health Office at Office of the Provincial Population Officer bilang mga resource speakers ay nagsagawa ng Adolescent Pregnancy Symposium with Short Film Dissemination noong Agosto 15 sa Carmona Community Center.

 

Dinaluhan ito ng mga piling Grade 7 students mula sa Carmona National High School (CNHS), na aktibong nakibahagi sa talakayan at pagbabahagi ng kanilang mga pananaw sa pamamagitan ng interactive lectures, open forum, at pagpapalabas ng maikling pelikula. Ito ay naglalayong mas mapalalim pa ang kanilang pag-unawa sa mga panganib at negatibong epekto ng teenage pregnancy sa kalusugan, edukasyon, at kinabukasan. Tinalakay rin ang mga serbisyong maaaring lapitan ng kabataan, kabilang ang mga youth-friendly health facilities ng lungsod.

 

Prevention is Power, Education is Key. Let’s Prevent Adolescent Pregnancy.