Bilang pagdiriwang ng 47th National DIsability Rights Week, nagsagawa ang Persons with Disability Affairs Office ng Basic Life Support Training sa pakikipagtulungan ng Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer. Ito ay upang mabigyan ng mahahalagang kaalaman ang mga dumalong miyembro ng PWD Support Groups ng Carmona para makapagbigay ng medikal na atensyon para sa sa panahon ng emergencies.