social housing finance corporation workshop for yao villas hoa

August 04, 2025

Sa pangunguna ng Office of the City Urban Development and Housing Officer ay isinagawa ang 2-Day workshop sa pangangasiwa ng Social Housing Finance Corporation (SHFC). Dito ay tinalakay ang Magna Carta for Homeowners and Homeowners Association at ang Batch 2 ng Estate Management Training. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro at officers ng Yao Villas Homeowners Association.

 

Layon ng naturang workshop na mabigyang kaalaman ang mga dumalo ukol sa karapatan at tungkulin ng mga homeowners and homeowners’ associations sa Pilipinas para mapagsilbihan ang kanilang komunidad sa pag-unlad.