cho carmona conducts breastfeeding awareness seminar

August 08, 2025

Dinaluhan ng nasa 400 na kababaihan ng City of Carmona ang Breastfeeding Awareness Seminar na isinagawa ng Office of the City Health Officer at sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ni Senator Pia Cayetano, noong Agosto 08 sa Carmona Plaza. Ito ay bilang pakikiisa sa National Breastfeeding Awareness Month ngayong Buwan ng Agosto.

 

Layon ng nasabing seminar na maipaalam sa mga kababaihan ang kahalagahan at benepisyo ng breastfeeding at para mahikayat ang mga nanay na piliing mag-breastfeed para sa kanilang mga sanggol na anak.