barangay peace and order and public safety (bpops) plan at barangay anti-drug plan of action (badpa) seminar in carmona

August 06, 2025

Sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Carmona, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona at ang Association of Barangay Captains, ay isinagawa ang isang Planning and Budgeting Training Workshop para sa Barangay Peace and Order and Public Safety (BPOPS) Plan at Barangay Anti-Drug Plan of Action (BADPA). Ito ay dinaluhan ng nasa 50 na mga Punong Barangay, Kagawad, Barangay Secretaries at iba pang kawani ng mga Sangguniang Barangay.

 

Layon ng programa na bigyang kaalaman, kasanayan, at kagamitan ang bawat barangay sa Carmona upang maisaayos at matugunan ang mga isyung kinakaharap ng kanilang mga nasasakupan gaya ng kaayusan at ilegal na droga.