Dinaluhan ng mga magulang sa iba’t-ibang barangay, Solo Parent Officers, at Barangay Desk Officers ang Alternative Child Care Orientation sa pangunguna ng Office of the City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Ang naturang orientation ay tungkol sa Philippine Foster Care Program at ang mga posibleng alternatibong pamamaraan ng pag-aalaga at pagprotekta sa mga kabataan sa ilalim ng batas at mga programang pambansa. Maraming salamat kay Ms. Rutchel Pocdihon mula sa National Authority for Child Care Office Region IV-A na nagsilbing Resource Person ng nasabing orientation.