30th police community relations month celebration

August 04, 2025

Kasabay ng ating Monday Flag Ceremony ay nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona at ang Philippine National Police (PNP) Carmona sa pangunguna ng kanilang OIC Chief PLTCOL Melvin M Balba sa pagdiriwang ng 30th Community Relations Month. Ito ay alinsunod sa temang “Sa Bagong Pilipinas, Ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka”.

Dito ay ginawaran ng PNP Carmona ng Certificate of Appreciation ang mga sumusunod na Advocacy Support Groups o Force Multipliers sa Carmona na ating nakakasama sa implementasyon ng mga police intervention activities gaya ng PNP checkpoints, Oplan Sita, police visibility, at patrolling operations:

 

  • Carmona City Unity and Rescue Group
  • Community Anti-Crime Group
  • Crime-Watch Support Group (CSG)
  • Kalasag Advocacy Support Group (KASG)
  • Ministerial Association of Carmona, Inc. (Faith-Based)
  • John Noe S. Lopez (Youth Sector)

 

Nawa ay patuloy kayong makasama ng PNP Carmona at ng LGU Carmona para sa pagsulong ng public safety at peace and order para sa mga mamamayan at komunidad. Lubos naming hinahangaan ang inyong serbisyo para mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan ng Lungsod ng Carmona.