13th annual blood donor recognition ng cho carmona

August 05, 2025

Idinaos ng Office of the City Health Officer ang 13th Annual Blood Donor Recognition upang bigyang pagkilala ang 60 individual awardees, 10 companies, at 5 partners para sa kanilang kontribusyon sa pagtataguyod ng Voluntary Blood Donation Activity.

 

Lahat ng individual awardees ay ginawaran ng Certificate of Recognition at tokens mula sa Lokal na Pamahalaan at Plaque of Recognition at First Aid Kit naman sa mga companies at partners. Maraming salamat kay Ms. Myla A. Velgado, RMT, DMM, MPM-HG, Regional Blood Program Coordinator na ating nakasama sa ating pagkilala.

 

Lubos po namin kayong hinahangaan at patuloy nawa namin kayong makasama sa pagsulong ng makabuluhang serbisyo publiko para sa mga nangangailangan.