PROJECT AKSYON SA KALAMIDAD AT ARUGA SA PAMAYANAN (AKAP) OF ROTARY CLUB OF CARMONA
project aksyon sa kalamidad at aruga sa pamayanan (akap) of rotary club of carmona
July 27, 2025
Taos-pusong pasasalamat sa Rotary Club of Carmona at Rotaract Club of Carmona sa kanilang matagumpay na pagdaraos ng Project Aksyon sa Kalamidad at Aruga sa Pamayanan (AKAP) sa Barangay Mabuhay kung saan sila ay namahagi ng mga rice packs sa mga residente ng nasabing lugar. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Mabuhay sa pangunguna ni Barangay Captain Fernan E. Barabat.
Saludo po kami sa inyong adbokasiya at dedikasyon para makatulong sa mga nangangailangan at umaasa po kami na patuloy namin kayong makasama sa paglilingkod sa bawat mamamayan ng progresibong Lungsod ng Carmona.