pdna: 2025 southwest monsoon (habagat) as enhanced by tcs crising, dante, and emong

July 29, 2025

Nagdaos ng Post-Disaster Needs Assessment sa pangunguna ng ating Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer at ang mga miyembro ng City and Barangay Disaster Risk Reduction Council bunsod ng ating naranasang malakas na pag-ulan dulot ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Crising, Dante, at Emong.

 

Dito ay pinagusapan ang mga naranasan at hinarap na suliranin ng bawat barangay sa dumaang Habagat at kung paano pa natin maihahanda pa ang Lungsod sa mga kalamidad gaya nito. Asahan niyo po na patuloy tayo sa pagsulong ng mga programa upang maging handa ang Lokal na Pamahalaan sa anomang sakuna na maaari nating kaharapin.