free dental services of cho carmona at eureka, barangay bancal

July 26, 2025

Nagtungo ang Office of the City Health Officer sa Eureka, Barangay Bancal para magsagawa ng libreng oral examination at tooth extraction sa 18 na pasyente mula sa nasabing lugar. Ito ay bahagi ng ating mga programa na naglalayong maglapit ng mga health services sa ating mga mamamayan lalo na para sa usaping dental.