carmona tops: executive briefing of the newly-elected officials of lgu carmona

July 21, 2025

Matagumpay na idinaos ang Executive Briefing ng Newly-Elected Officials ng LGU Carmona sa pangunguna ni City Mayor Dahlia A. Loyola, City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., at Sangguniang Panlungsod Members kasama ang mga Department Heads at Next-in-Ranks ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona. Dito ay tinalakay ang mga kasalukuyang estado at ang mga bagong suliranin ng Lungsod na kailangan bigyang prayoridad ng mga Programa ng Lokal na Pamahalaan.

 

Ito ay bahagi ng New Elected Official Performing Leadership for Uplifting Service o NEO Plus Program ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na naglalayong makabuo ng three-year capacity development initiative para suportahan ang mga bagong opisyal sa kanilang termino.