4TH INDUCTION CEREMONY AND STUDENT ORGANIZATIONS ASSEMBLY OF ALLSHS
4th induction ceremony and student organizations assembly of allshs
July 12, 2025
Nakasama ni Mayor Dahlia A. Loyola ang mahigit 500 student leaders mula sa 28 na student organizations ng Angelo L. Loyola Senior High School sa kanilang idinaos na 4th Induction Ceremony na may temang “United We Lead: One ALLSHS, One Heart, One Vision”.
Binibigyan nating halaga ang paglahok ng mga mag-aaral hindi lamang sa mga academic activities pati na rin sa mga extra-curricular at interpersonal activities na magbibigay sa kanila ng karanasan at kaalaman sa iba pang mga larangan. Kaisa po tayo sa paglinang ng potensyal ng mga youth leaders ng mga paaralan para sa komunidad at sektor ng edukasyon.