KABATAAN KONTRA DROGA AT TERORISMO (KKDAT) YOUTH FORUM OF PNP CARMONA
kabataan kontra droga at terorismo (kkdat) youth forum of pnp carmona
July 05, 2025
Bilang bahagi ng 30th PCR Month Celebration ngayong taon ay idinaos ng Police Community Affairs & Development (PCAD) Team ng PNP Carmona sa pangunguna ni Officer-in-Charge Robert S Dimapilis at PEMS Rhina B Mariquina. Ito ay dinaluhan ni Hon. TJ Loyola sa ngalan ng Sangguniang Panlungsod kasama ang mga aktibong kabataan ng Lungsod.
Ang naturang seminar ay tumalakay sa KKDAT awareness gaya ng EO 70 at Anti-Drug Abuse para sa sektor ng kabataan mula sa iba’t-ibang barangay ng lungsod. Maraming salamat sa nagsilbi bilang resource person na si Mr. John Noe S. Lopez.