inauguration of carmona heights multi-purpose building

July 10, 2025

Kasama sina Cong. Roy M. Loyola, City Mayor Dahlia A. Loyola, City Vice Mayor Cesar L. Ines, Jr., at Sangguniang Panlungsod Members ay pinangunahan ang inagurasyon at blessing ng Carmona Heights Multi-Purpose Building. Nakasama rin natin dito ang mga officers ng Carmona Heights Homeowners’ Association sa pangunguna ni Mrs. Susana G. Banua at ang Sangguniang Barangay ng Mabuhay sa pangunguna ni Hon. Fernan C. Barabat.

 

Ang bagong imprastrakturang ito ay magsisilbing bagong pasilidad para sa mga residente ng naturang subdivision at barangay para magsagawa ng kanilang aktibidad at programa para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan. Nawa ay inyo pong pagyamanin ang bagong establisyimento na ito para sa Lungsod ng Carmona.