financial assistance for 182 chemotherapy and hemodialysis patirnts in the city of carmona

July 10, 2025

Naghatid ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa 182 Chemotherapy at Hemodialysis patients mula sa City of Carmona para sa kanilang mga medikal na gastusin at pangangailangan. Palagi pong kasama sa aking panalangin ang inyong patuloy na paggaling at ang mabiyayaan ang lahat ng magandang kalusugan. Titiyakin po namin na palaging nakaagapay ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa inyong mga pangangailangan.