launching of carmona bagadhari pride lane and the official launch of the right to care ordinance
July 17, 2026
“Walking Together. Caring Together. Celebrating Every Color.”
Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pangunguna ng Office of the City Gender and Development Officer, ang pagbubukas ng BaGADhari Pride Lane sa CarSiGMA Gymnasium bilang pakikiisa ng Lungsod sa inklusibong komunidad para sa LGBTQIA+ community. Makikita rin ang isa pang lokasyon ng BaGADhari Pride Lane sa tapat ng Carmona Plaza at City Hall.
Kasabay nito ay idinaos din ang Official Launching ng Right to Care Ordinance sa City of Carmona. Sa bisa ng nasabing ordinansa, alinsunod sa Provincial Ordinance No. 532-2026 ng Lalawigan ng Cavite, ay kikilalanin ng mga health care facililties sa Lungsod ang mga pinagkakatiwalaang health care proxies hindi lamang ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community, pati na rin ang mga live-in partners, solo parents, OFW families, senior citizens, WPDs, trusted caregivers, o sinomang may non-traditional support system na mabigyan ng karapatan sa hospital visitation, access to information, accompaniment sa confinement, at makapagbigay ng critical health care decisions para sa kanilang mga minamahal sa buhay.
