distribution of educational assistance for lgu carmona - metalcast corporation scholars

July 17, 2026

Pinangunahan ni City Mayor Dahlia A. Loyola ang pamamahagi ng Educational Assistance para sa 2nd Semester para sa mga mag-aaral na beneficiaries ng LGU Carmona–Metalcast Corporation Scholarship Program. Sa pamamagitan ng programang ito ay atin pong nabibigyan ng suporta ang mga kabataang Carmona upang makapagtapos ng kolehiyo at makamit ang kanilang mga pangarap.

Taos-pusong pasasalamat sa Metalcast Corporation sa inyong malasakit at suporta sa sektor ng edukasyon. Ito po ay malaking tulong upang mas marami pang kabataang Carmona ang mabigyan ng pagkakataong makapagpatuloy at makapagtapos ng kanilang pag-aaral.