Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng digital at inklusibong serbisyong pang-empleyo, ay idinaos ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Public Employment Service Manager (OCPESM), ang Carmona PESO E-Plus Kiosk sa anim (6) na barangay ng lungsod, kabilang ang Barangay Maduya, Cabilang Baybay, Mabuhay, Milagrosa, Lantic, at Bancal.
Layunin ng inisyatibong ito na mailapit ang mga serbisyo ng PESO sa bawat komunidad sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa tulong ng Carmona PESO E-Plus Kiosk, mas magiging mabilis at madali para sa mga mamamayan, lalo na sa mga jobseeker, ang paghahanap ng trabaho at pag-access sa mga oportunidad sa empleyo.