calabarzon regional international volunteer year 2026 celebration forum

July 14, 2026

Naimbitahan si City Mayor Dahlia A. Loyola bilang isa sa mga Resource Persons ng CALABARZON Regional International Volunteer Year (IVY) 2026 Celebration Forum na may temang “Every Contribution Matters”. Ito ay sa pangunguna ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency at Regional Development Council CALABARZON, sa pakikipagtulungan ng ating CSO Desk Office.

 

Dito ay ating tinalakay ang gampanin ng Lokal na Pamahalaan para mahikayat ang volunteerism sa Lungsod. Ating ibinihagi dito ang ating naging good practices at ang nabuo naging collaborative partnership kasama ang mga civil society organizations sa Carmona.

 

Ang Regional IVY 2026 Celebration Forum ay bahagi ng kontribusyon ng bansa sa International Volunteer Year for Sustainable Development, isang global initiative na nagbibigay pahalaga sa volunteerism tungo sa sustainable development at community resilience.