blessing and inauguration of carmona women's health facility

July 13, 2026

Noong July 13, 2026 ay idinaos ang Blessing at Inauguration ng Carmona Women’s Health Facility sa Barangay Lantic sa pangunguna ng Office of the City Health Officer. Layon nito na mapalawak ang access ng mga kababaihan ng Lungsod sa mga serbisyong pangkalusugan gaya ng  mammogram, ECG, ultrasound, Papsmear/VIA, thermal ablation, HPV vaccination, konsultasyon, at mental health counseling.

Ang bagong pasilidad na ito ay sumasalamin sa patuloy nating pagsulong ng mas maagap, dekalidad, at inklusibong medical service para sa mga mamamayan lalo na sa sektor ng kababaihan upang atin silang mapangalagaan at mapanatiling ligtas sa anomang karamdaman.