administrative professional development course of chrmo

July 16, 2026

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Human Resources Management Officer, ang 3-Day Administrative Professional Development Course na dinaluhan ng 46 na kawani ng Lokal na Pamahalaan.

Sa pakikipagtulungan ng Civil Service Commission Regional Office IV, pinangunahan ni Ms. Narriza D. Cruz, Subject Matter Expert, kasama si Ms. Sophia O. Hernandez, Training Assistant, ang 24-hour specialized training na naglalayong palakasin ang operational competencies, workplace efficiency, at interpersonal skills ng mga administrative personnel.

Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ang pagpapahusay ng kakayahan ng mga kawani upang makapaghatid ng mas mahusay at dekalidad na serbisyong pampubliko.