SORTEO NG BUKID 2013
PALISTAHAN PARA SA
SORTEO NG BUKID 2013
Simula na sa Hulyo 23, 2012!!!
SINO ANG MAY KARAPATANG SUMALI?
1. TAAL o lahing taga-Carmona na may legal na asawa.
2. Balo ng TAAL na taga-Carmona na hindi na muling nag-asawa.
3. Ulilang lubos na TAAL na taga-Carmona.
4. Binata o dalaga na edad 50 taon pataas na TAAL na taga-Carmona.
PARAAN NG PAGSALI:
1. Magdala ng mga sumusunod:
a. Sedula para sa taong kasalukuyan;
b. Dalawang (2) valid ID; at
c. Original o certified xerox copy ng –
b. 1. Marriage Contract KUNG KASAL
b. 2. Marriage Contract at Death Certificate ng asawang taga-Carmona KUNG BALO
b. 3. Birth Certificate KUNG ULILANG LUBOS at Death Certificate ng ama at ina.
b. 4. Birth Certificate KUNG MAY 50 TAON GULANG PATAAS.
2. Tiyakin kung kwalipikadong sumali. Magpa-verify at humingi ng Order of Payment sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan na matatagpuan sa ikalawang Palapag ng BML Bldg. na nasa gawing kanang-likuran ng munisipyo.
3. Magbayad sa Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman ng halagang P100.00 bilang registration fee.
4. Bumalik sa SB para magpatala at patatakan ang resibo sa mga kawani ng Sangguniang Bayan para opisyal na makasali.
Kung may katanungan, tumawag sa 430-1650/3002.
| < Prev |
|---|



