Alamat at Pamahiin

Mga Kababalaghan,  Kwentongbayan, Alamat, Paniniwala, Pamahiin,  at Panghuhula


MGA KABABALAGHAN

     Isang matatangap na kaisipan na ang kababalaghan ay  isang kwentong di-kilala ang may katha, subalit nagbibigay patunay  sa katotohanan ng palagay. Ang mga taga  Carmona ay mayroong maipagmamalaking  mga kababalaghan narito ang ilan:
          
          a. May ilang panahon na ang nakalilipas,may isang tagarito na nagngangalang Hospicio Hermosa, na lalong kilala sa tawag na "Hopia". ang kanyang kapangyarihan bilang di karaniwang albularyo ay pinaniniwalaang kaloob ng Diyos. Maraming kababalaghan na siyang nagawa.
          
          Si Mang Hospicio ay nakapagpapatayo at nakapagpapalakad ng isang napilayan at nabalian ng buto ng isang kalabaw sa pamamagitan ng pagtitig lamang dito.
                         
          Minsan isang babae ang nahulog sa hagdan, nagkaroon ito ng bali sa buto.Hindi siya makalakad. Dalawang lalake ang umalalay sa kanya, subalit sinabi ni mang Hospicio na ang babae ay makakalakad ng di na inaalalayan. Tinitigan niya ito at walang anu-ano'y tumayo at nakalakad ang babae.
                         
          Minsan naman, habang nagpapahinga ang mga magsasaka, kanilang tinawag ang albularyo. Isa sa mga magsasaka ang nagluray-luray sa isang palaka, hiniling nila sa albularyo na palundagin ito. Tinitigan niya ang palaka at nagmamadali itong tumalon.
           
          Ang mga ito ang ilan lamang sa mga kakayahang magpagaling ng naturang albularyo. Nakalulungkot nga lamang dahil sa katandaan siya ay pinagpahinga na ng maylikha sa kanya.Subalit maaring naisalin niya ang kanyang kapangyarihang manggamot sa kanyang anak na si Pedro. Nang yumao ito ay naisalin naman sa kanyang  anak na si  Satur at manugang na si  Konsehal Eduardo Loyola.

                       
          b. May isang matandang lalake na nagngangalang Pedro Witas na nag-aangkin ng isang kamangha-manghang kapangyarihan. Kanya lamang ipapalo ang baston at isang lankay na ahas na tintawag na"kuyog" ang magsisilabas. Noong araw karamihan sa mga magulang ay mahigpit lalo na sa mga anak na dalagang umiibig. Tutol silang maligawan ang kanilang anak o lumalapit sila kay mang Pedro upang magpa-"orasyon". Sinuman ang manliligaw ay hindi makapamimintuho hanga't hindi nakapagbibigkas si mang Pedro ng orasyon na magpapalaya sa mga kadalagahan.

ALAMAT

          Ang kasaysayan  ng kalinangang Pilipino ay pinayaman ng makukulay  at makahulugang bagay, tulad ng alamat. Ang bayang ito'y mayroon ding alamat na naiambag sa kalinangang Pilipino.
          
          Isa sa mga tanyag na alamat ng Carmona ay tungkol sa butiki. May isang pamilya na ang ama ay iniligtas ng isang angel. Bilang ganti ng utang na loob, ang buong maganak ay nangakong magdarasal  tuwing orasyon o "angelus". Ito ay ginagawa tuwing ika-6:00 ng hapon, nang lumaon nanghinawa ang mag-anak sa gawaing ito,tinigilan nila ang pagdarasal. Nagalit ang Angel at sila'y pinarusahan.Ginawa silang mga butiki at inutusang hhumalik sa lupa tuwing orasyon.

          Ang nabangit na alamat ay karaniwang ikinukwento ng mga lolo't lola sa kanilang mga apo,upang ipaalla ang kanilang tungkuling maglingkod at umibig sa diyos at upang makatupad sa ginawang pangako.

          Ang mga mamamayan ay nagiliwan sa mga alamat, sapagkat ito'y nakawiwili at nagbibigay ng aral.

MGA PANINIWALA

             a. Isang pangkaraniwang paniniwala na kapag ang isang buntis ay kumain ng kambal na saging ay magkakaanak ng kambal. Marami ang naniniwala na ang kambal na anak ay nagdudulot ng mabuting kapalaran ng pamilya. Pinaniniwalaan din na kapag ang isang sanggol ay ipinanganak na may kakambal na ahas siya ay makapagpapagaling ng pasyenteng kinagat ng ahas.

             b. Ang isa daw bata na ipinanganakna "suhi" o'  ipinanganak na  nauna ang paa ay makapag-aalis ng tinik sa lalamunan sa pamamagitan ng paghilot sa gawing harapan ng leeg.

MGA PAMAHIIN

          Ang bawa't dako ay may  pinaniniwalaang pamahiin. Ang ilan ay karaniwan at ang ilan ay katangi-tangi.

          Ipinapayo na manghuli ng"karbungko" tuwing agaw dilim at liwanag kung naghahangad na maging mayaman at makapangyarihan.

           Ang mga ninong at ninang ay dapat na mag-unahan sa  paglabas ng simbahan upang kung sino ang mauna ,ang sangol na hinawakan ay magiging tanyag at masigla habambuhay.

           Ang pag-iimis ng itim na damit  na hindi na ginagamit ay magiging dahilan ng pagkakaroon ng sunod-sunod na mamamatay sa pamilya.

           Ang mga batang kumakain ng labis na isda ay magiging putlain at mag kakaroon ng maraming "alaga" sa tiyan.

           Kapag ang dalawang miyembro ng pamilya ay nagpakasal ng suno sa taon, nang isa sa kanila ay magiging malas sa buong panahon ng kanilang pagsasama.

           Ang mag-asawang may magandang konbinasyon ng pangalan ay magiging mabuti ang pagiging buhay mag-asawa.

           Ang pagtatayo ng bahay sa panahong nagdadalantao ang may-bahay ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan o' pagkakasakit.

           Ang pag lalagay ng pinaglulunan ng ahas sa aklat ay nakapagpapatalino sa isang mag-aaral.
           
           Dapat buksan lahat ng bintana  sa umaga upang pumasuk lahat ng grasya sa tahanan.

          Ang pagwawalis sa loob ng bahay pataboy sa pintuan ay magdudulot ng pagkawala ng kabuhayan.

PANGKUKULAM AT  PANGGAGAYUMA

          Ang mga unang tao sa Carmona ay may iba't-ibang anyo ng pangkukulam at panggagayuma at paggamit ng anting-anting.
            
          Naniniwala sila sa"panggagaway",nuno sa punso,aswang, tiyanak at tikbalang. Isang kwento ang inilahad ng isang matandang lalaki na noon daw ay may isang pamilya na naninirahan sa Bg. Lantic. Ang pamilyang ito ay pinaniniwalaang manggagaway. Walang nais makisalamuha sa kanila sa paniniwalang kapag sila'y natitigan nitoy magkakasakit. Minsan ang isang bata ay binati nito,kagyat ay nagkasakit bata. Humingi nang tulong sa may kapangyarihan. Itinali ang manggagaway sa poste sa plasa. Maliliit na manyika ang isinuka nito pagkatangap sa parusa ng kawal.
           
          Noon daw ay may isang punso sa ilalim ng punong kawayan sqa isang bakuran. Ang may ari nito ay may anak na isang babae na nawawala gabi-gabi,ng siya'y matagpuan nasumpungan siyang mag-isang nagsasalita sa tabi ng punso. Sinabi niya sa kanyang ina na siya ay nanggaling sa napakaganda at napakayamang kaharian at nakilala niya ang isang kaibigan. Napasang ayon siya ng kanyang kaibigan na maging prinsesa ng kanilang kaharian. Subalit nakapag isip siya na hindi niya maiiwan ang mahal na magulang.Ipinasya ng magulang na patagin ang punso,mula noon ang dalga'y nagkasakit hangang sa mamatay.Naniniwala ang mga taga baryo na siya ay kinuha ng duwende at sinali sa kanilang kaharian.

          Isang mabagyong panahon, may isang kaingero ang nakakita ng isang manggang hinog sa lupa. Dinamput niya ito, sa di kawasa ito ay nawala. Lumagpak sa lupa at naging tiyanak na  nagtawa at tinutukso siya.