Dekreto

Ang kabuuan ng dekreto ng pagiging bayan ng Carmona ay gaya ng sumusunod:

Mayroon tatak na ganito: Tello 3. OR. S. 1866-67 '2 R.S.

Kataastaasan Pamahalaan Sangkapuluan sa araw na ito aking inilagda ang sumusunod:

Pagkatapos na maunawa ang lahat ng salaysay ng mga Principales at Cabeza de Barangay ng Barrio Latag, sakop ng bayan ng Silang, Lalawigan ng Cavite, na doo'y kanilang hinihingi na ang nasabing barrio ay mahwalay sa kanyang Inang Bayang Silang, upang maging bayan na mayroong kanyang sariling pamahalaan at kapanagutan sa ilalim ng tuwirang kapangyarihan ng punong Lalawigan ng Cavite, sapagkat ang nasabing nayon ay mayroong mahigit limandaang (500) nagsisibuwis, mayroong simbahan at bahay pamahalaan, nasa layong tatlo o apat (3 o 4) na leguas sa kanyang Inang Byang Silang at kinakailangan ang kanyang paghiwalay upang magkaroon ng isang pamunuang mangangalaga, mananagot, mapapasuno at magpapatupad sa lahat ng mamamayan at nang manatili ang isang mabuti at matahimik na pamumuhay ng tao; pagkatapos na mabasa ang ulat na iniharap ng Iexcelentisimo at Ilustrisimo, Arsopbispo at ng Mahal na Hari at ng sa Tagapagsiyasat ng Pamahalaan, ay aking iniuutos na ang nayon ng Latag ay mahiwalay sa bayan ng Silang at maging bayan na tatawaging CARMONA at magkakaroon ng sariling kapanagutan at makipagunawaan ng tuwiran sa mga punong lalawigan o pamahalaan dito sa sangkapuluan at pagkatapos na ang nasabing baya'y magkaroon ng kayang Gobernadorcillo at mga Cabeza, ay isang lupon ng bubuuin ng pamunuan ng dalawang bayan ng Silang at ng Carmona at ng isang dalubhasa, kanilang ilagay balaty sa pagitan ng dalawang (2) bayan.

Maynila, 20 ng Pebrero ng taon 1857.

                                                                                                          Ramon Montero